Tuesday, August 11, 2009

Negosyanteng Tomasino ng grupo bilang isa ng 1FMID





Mula sa kaliwa(Jay Pineda, Michelle Clarin, Kae Agas,Lance Alvin Ferrer:marketing, Andrew Apuya:graphic artist, Josephine "penny" Bunag:public relations, Jean Gonzales, Archimedes Aceron, Immanuel Volfango )



Unibersidad ng Santo Tomas - Hulyo 31,2009 3:30 ng hapon. Nakapanayam namin ang isang grupo ng kahanga-hangang negosyante na mula sa nasabing Unibersidad. Naisagawa ang panayam sa isa sa mga pavillion malapit sa plaza calderon.
Dito nakilala namin ang apat na Tomasino na nagmula sa magkakaibang lugar, mayroong taga Quezon city, Malabon, Marikina at taga Bulacan.
Sila ay sina Josephine "penny" Bunag,ang namamahala sa public relations; si Lance Alvin Ferrer,ang in charge sa marketing; Tyrone Usana ang responsable sa production; Phoebe Kay Abella sa sales at si Andrew Apuya naman ang kanilang graphic artist.
Masasabing kilala ang grupo sa buong unibersidad dahil sa mga “statement shirts” na ginagawa at ipinagbibili nila patungkol sa pagpapakita ng pagmamahal at katapatan sa unibersidad.
Lubos nilang pinagmamalaki ang kanilang mga obra dahil alam nila na bawat piraso ng damit at disenyo ay pinaghihirapan nila ito.


Nakilala namin silang lahat ngunit dalawa lamang ang aming naka-usap, Ang dalawang ito'y sina kuya Lance na nag-aral sa Immaculate Concepcion sa Cubao noong siya ay nasa elementarya at hayskul at si ate Penny naman sa PWU-JASMS. Sila ay parehas na bunso sa kanilang pamilya.




Nag-simulang mabuo ang kanilang barkada noong sila ay nag-kolehiyo sa UST sa kursong CFAD- Advertisng Arts, Ang Animoism ang naging inspirasyon nila upang mabuo ang tinatawag na "RAWR SHIRTS" sapagkat nais din nilang magkaroon ng sariling "Statement Shirt". Ilan pa sa mga dahilan kung bakit nila itinatag ito ay ang pagkakaroon ng maliit na market, kaya ito ay madali lamang pangasiwaan. Ang puhunang ginamit nila sa "first batch" ng mga shirts na kanilang inilako sa UST ay nagkakahalagang humigit kumulang na anim na libong piso, ito ay nag-mula sa kani-kanilang bulsa sa tulong din ng kanilang mga magulang. Patuloy pa ding lumalago ang kanilang negosyo hanggang ngayon dahil sa kanilang mga suki at sa pag-pupursiging sila ay makilala.



Ang kanilang problemang kinaharap sa simula pa lamang at hanggang ngayon ay ang kanilang time management dahil sila ay estudyante pa lamang at hindi pa mag-kakablock, sabi nga nila CFAD+BUSINESS= PUYAT (tawanan...). Nararanasan din nila ang kahinaan ng benta kaya napipilitan sila na babaan ang kanilang presyo ng kanilang mga produkto. Pero sa kabila ng lahat ng mga problemang kanilang kinakaharap, nabibigyan agad nila ito ng solusyon sa pamamagitan ng pagsunod sa mfga sistema para magpatuloy ang kanilang nedosyo. Naniniwala rin sila sa mga salitang "THERE'S NO I BUT WE!" sa pamamagitan ng mga salitang ito napapanatili nila ang magandang samahan at magandang pagpapatakbo ng negosyo.



Ang THOMASIAN VALUE ng grupo ay: "PROUD FOR ONESELF" at "HEART OF A THOMASIAN", mula dito ngakaroon sila ng misyon at ito ay "TO UPLIFT THE THOMASIAN SPIRIT". Pero bilang tao may kahinaan at kalakasan din sila. Isa sa mga kanilang kalakasan ay ang advertising at edukasyon. Sila rin lang ang nagoofer ng statement ng bago at hindi sila nanggagaya sa iba hangga't maaari gumagawa sila ng bago na ngamula sa kanilang inspirasyon. Ang kahinaan naman ng grupo ay ang kanilang printer, production, at oras. At kung may opurtunidad sila para mapalago ang kanilang negosyo ninanais din nila na mag-expand sa iba pang mga merchandisers, gumawa ng mga lanyards at jackets.








Ang nakikita nilang advantage ay ang pagiging natural na sa kanilang sarili ang pagiging isang artist. sa ganitong paraan nahahasa nila ang kanilang talento at ang kanilang napag-aralan. Nagagamit din nila ito sa paglikha pa ng mga makabagong disenyo para sa damit na kanilang ipagbibili. Ang halaga ng mga damit na kanilang ipinagbibili ay depende sa kalidad ng damit na kanilang gagamitin. Gumagamit din sila ng online business katulad ng "rawrshirts.multiply.com"para madaling maibenta ang kanilang mga damit sa mga estudyante pati na rin sa mga iba pang tao sa ibang lugar, pero depende rin kung may available na stock ng damit na gusto mong bilhin.
Sa katunayan mayroon na silang naggawang pagdiriwang para sa kanilang negosyo,
ito ay ang:




Bilang kapwa TOMASINO, tinanong namin sila kung ano ba ang maipapayo nila sa amin lalo na sa mga estudyante ng kolehiyo ng komersyo at ito ang kanilang sinabi " Kapag may gustong gawin put your heart into it." Sinabi rin nila na alamin muna ang papasuking negosyo, handang humarap sa lahat ng klase ng pagsubok at ipagpatuloy ang paglago at paglaki ng napili mong negosyo sa pamamagitan ng pakikipagkompitensya sa iyong sarili. Maging responsable sa lahat ng bagay na maaaring makatulong hindi lang sa sarili kundi para sa nakararami.

1 comment: